Thursday, April 21, 2005



WA POISE!




Sa kinasamaang palad, dinapuan ng langaw ang kinakain kong spaghetti carbonara. Nainis ako nang mapansin ko iyon at di ko na muling tinignan ang aking plato. Tumayo na lang ako at umalis habang pinapanood niya ako. Ngunit sa biglang pagtalikod ko, nabangga ko ang sarili ko sa sandalan ng upuan. Aray, masakit, sabi ko sa sarili ko nang maramdaman ko ang tigas ng bakal sa aking tagiliran. Natawa siya habang namimilipit ako sa kirot. Ngunit sa pagtawa niya, bigla siyang nabulunan at sa kanyang pag-ubo, lumabas ang isang hibla ng spaghetti mula sa ilong niya. Ngayon, ako naman ang natawa.

3 Comments:

At 12:02 AM, Blogger Unknown said...

wa poise nga

 
At 2:42 AM, Blogger Jean R. Mavi said...

Spaghetti? No, wait. That's not what shocked me. Sa ilong?!? *swoons*

 
At 11:15 PM, Anonymous Anonymous said...

pataba ka kasi para may padding ka pag nababangga ka sa upuan. hehehe.

 

Post a Comment

<< Home