Thursday, April 21, 2005

Hahaha...short quips.

Sa lagas at lantang dahon,
Bawat oras naiipon,
Hinihintay ang pagbangon
Ng nahimbing sa kahapon.

Ugali kong tuwina
Pagtunog ng kampana
Magdasal sa dambana
Katulad ng kanina.

Ang kamay ko ay tumagos
Sa salaming umaagos
At sa akin ay naglagos
Ang buhay ng punong igos.

Di-kaila ang hapo
Sa kanyang pagkaupo,
Kamay ay nakadapo
Sa paang hinihipo.

Kasing-puti ng sutana
Ang kurtina sa bukana
Na napunit ng katana.
Hindi ko na alintana.

Iyo na bang nalaman
Kung ano ang halaman
Na sinangkap sa laman
Ng inuming gulaman?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home